Thanks, rchitect and mindfreak! Pag upgrade ipapakalat ko uli yung mga zoas. Para lahat happy. haha
Mauuwi yung upgrade sa 6ft long tank. Pero same livestock, same equipments, same rocks. Yung upgrade alang-alang sa isang tang na balak kong idagdag.
Nung nagsimula ako sa hobby, binata pa ako. Yung gf ko dati nagregalo ng first tank ko, tapos lagi niyang pinagseselosan. Ngayon kasal na kami, pinagseselosan pa rin niya. Hahahaha!
Baka magpabili din ako ng RODI unit sa states, apparently hit and miss ang quality ng tubig na binebenta ng mga water stations dito. Yung coarse gravel na nilagay ko hiningi ko lang sa barkada ko galing sa FW tank nila. Ginawa ko, ilang ulit na banlaw sa FW, tapos binabad ko sa FW na may caustic soda para magleach out yung phosphate sa gravel, babad uli tapos hugas ulit. Dalawang tabo ng buhangin, halos 50 gallons ng tubig nasayang.