@yose haha bro 30 gallons na lang siya, pero tama ka eto yung 75g dati ni roy_gt. Binaklas niya kasi nabasag yung bottom panel.
Buset nga eh, kung kelan patapos na, as in .5mm na lang butas na tsaka pa ako nadale.
Pero ok na rin lang. Andyan na eh. hahaha
Kaya pa rin ng low maintenance, bro.
Actually pabor na rin kasi lumaki yung water volume. Kung magdadagdag man ako ng isda baka isang flasher wrasse o kaya six-line wrasse na lang. At isa pang pajama cardinal.
@thurrmac ang una ko atang nasabi nung nabasag ay "Oh, Sh*t."
Sinumulan ko yung pagbutas ng mga past 10pm, natapos ako mga 2am na dahil naglimas pa ako at ginawa ko yung stand para sumakto sa replacement tank.
Tapos gumising pa ako ng maaga around 7am para tapusin naman yung stand ng 5g. Siguro galit na galit na sa akin yung mga kapitbahay dahil umaga at gabi may naririnig silang nagpupukpok at naglalagari. Hahaha
Eto na siya ngayon:
Kukunan ko ng pic mamaya yung nabasag, para may remembrance. Hay.