*UPDATES*
Nakapag-tank tour din sa wakas, bago maging super busy uli!
@leica bro salamat sa tank tour! Ang lupet ng setup mo! Tulo-laway kami. Hahahaha! Balitaan mo ako dun sa DC pump. Type ko talaga yun.
Sana magamit niyo ni brader trowa yung kalk.
@trowa bro maraming salamat sa mga frags, sensya na bitin tayo sa oras tsaka sensya na rin sa abala nakakahiya nagtagal kami sa inyo, na-late pa tayo ng kita-kita. Bawi kami pag kayo naman ni brader leica ang mapadaan dito. Nakalimutan pa kita abutan ng frag disks. Jam naman minsan kasama si roy_gt at ronsax.
@ronsax bro salamat dun sa lito. Ikaw na bahala diyan sa xenia frag tsaka sa propagules. Sana maka-recover sa iyo.
@armand salamat sa lunch. Gusto pa sana naming magtagal sa inyo kaso nakakahiya kina brader leica at trowa hahaha. Salamat dun sa frags. Naiwan ko pa kina roy.
Nice meeting your dad as well, nakakatuwa magkaroon ng ka-kwentuhan lalo pagdating sa gardening at tree planting. Parehas kami ng hilig ng erpat mo.
Okay, enough chitchat and on with the pics!!!
Sorry for the crappy quality of some of the shots. The pics did not do justice to the actual tanks.
Simulan natin ang kwento sa bahay. Nakahanda na yung mga gagamitin para sa pag-frag. Cutters, DIY frag plugs/disks, cable ties, etc. Kasama na rin yung xenia frag.
Tank tour kina Armand (username12345)
Eto yung DIY e27 LED Array na ginawa namin ni roy_gt para kay Armand:
Tank pics:
After kina username12345 derecho naman kina boss Peter (aquariatech) para bumili ng mga kailangan. Dito na rin kami nag-meet ni brader Leica. After nun, derecho tayo kina brader Leica:
Sa sobrang intense ng ilaw, nag-pigment na yung usually brown na Palythoa Toxica!
At ang star ng tank, ang crinoid!
And, derecho naman kina brader trowa para mambulabog.
Hiwa-hiwalay na after kina trowa, last stop ko kina roy_gt uli para maayos yung ibang frags.
At eto yung tank kanina, bago ko idikit yung mga frags sa frag disks. Kasama na rin yung 5g planted/mini aquaponic tank. Kung itatanong niyo kung ano yang mga halaman na nasa ibabaw ng 5g tank, talbos ng kamote yan at kangkong. Organic yan, nyahaha!
From trowa
Some of the old frags from smacks17(middle and right), and new zoa frags from trowa (left)
More pics soon. Next stop naman RVS, at iba pang mga tanks sa Southside. Happy viewing!