Welcome to RP bro!
May mga suggestion ako bro, tanggalin mo na yung pump sa sa display tank mo. Imbis na makatulong, magko-contribute pa sya sa init ng tangke mo. Instead, mas makakabuti siguro kung magDIY ka na gravity fed na PVC overflow (maraming tutorial sa youtube nyan) or pabutasan mo tangke mo.
Maglagay ka rin ng wavemaker for added flow/water movement kahit yung 3watts na resun or yung pinakamaliit na hydor koralia (1.2k ata yun) na di hamak na mas ok kesa sa resun.
I wouldn't recommend the blue bag (180php) from carti. Bukod kasi sa mababa ang ph nya (7.6-7.8PH) mababa din ang calcium nya at di consistent ang mixture ng saltmix nya bukod pa yung tagal matunaw ng mixture nya. In my experience, nakabuhay naman sya ng isda pero malaki ang possibility na palagi kang mamamatayan ng isda. Kung sa corals naman, wag ka umaasa, pagkalagay mo palang.. TUNAW na agad!
I hope this helps