x2 at mindfreak's suggestion.. Yung stand ko tinanggal ko yung lahat ng pintura gamit liha, steel brush at stripsol. Then pinahiran ko ng rust converter, pinunasan ko ng tela tapos flash ng thiner, punas uli tapos 2 coats ng primer, 3 coats ng rubberized automotive undercoating/sealer then 3 coats uli ng enamel paint. Unnecessary na daw yung enamel paint sabi nila pero matigas talaga ulo ko, mas gusto ko yung sigurado talaga.
Yung marine plyboard na ginamit ko na papatungan ng tank ginamitan ko ng masilya tapos undercoating rin tsaka enamel paint.
Pwede rin strip mo lang pintura then rust converter tapos gamitan mo na lang ng epoxy primer at paint. Kung alin yung mas convenient para sa iyo.
Isa pang tip pala bro, takpan mo yung mga poste ng stand mo. Yung akin pininturahan ko rin yung loob ng mga tubo tsaka ko tinakpan ng husto at pininturahan uli.
Konting gastos at hassle lang yan sa una pero at least may peace of mind ka for the years to come... kahit isang dekada o higit pa ang lumipas kung tama yung pagpintura hindi kakalawangin yung stand. Kaysa naman makatipid ka nga ng 200-1000 pesos pero wala pang 1 year puro kalawang na yung stand.