Dyan ka nalang magpabutas sa glass shop na malapit for sure meron diyan. Di dapat lalagpas ng 200 ang pabutas. (Kay mang Ramon 300-350 ata. Not sure)
Yung binebenta bang skimmer sayo e yung Queen o yung Jebo? Wala kang mapapala dyan unless imo-modify mo pa. So kung willing kang imodify yan, okay na yan sa purpose mo. If not, wag na lang.
Wag ka rin gagamit ng saltmix na galing cartimar. IME at sa feedback na rin ng mga nakagamit nun, walang nabubuhay na maayos at matagal sa saltmix na yun.
Surprise pa lagi ang parameters. Minsan mataas alk, minsan bagsak. Ganun din pH paiba iba. Kung gagamit ka ng saltmix, kahit Blue Treasure ayos na. Research pa bro, iwas gastos.
Expect mo na kahit FOWLR lang ang tank mo mas magiging matrabaho iyan kumpara sa typical FW setup. After all, para ka na ring gumawa ng micro ecosystem sa tank mo. Unlike sa FW na filterfloss, waterchange at bioballs solb na.
Di recommended ang tap. Then again, prerogative mo yan since tank mo yan.