Dagdag ko lang sa pagbuo ng mas malaking tank:
Mas malaki, mas lalaki din ang initial costs mo sa equipment pati recurring maintenance expenses mo. Dadami yung kakailanganin mong ilaw, lalaki yung kakailanganin mo na return pump at skimmer at mas dadami ang kakailanganin mo na wavemaker.
Marami nang nagquit dahil sa upgrade tapos di kinakaya yung gastos.
Keep that in mind para di ka mahirapan o maoverwhelm, consider mo rin yung dami ng livestock mo sa capacity mo na magmaintain. Mas maraming isda, mas maraming water change at filtration demand.
Unless na gagayahin mo yung trip ko na 100 gal DT at 100g sump tapos ilang piraso lang yung isda at sa gitna lang yung iilawan na scape.
re tubig: regardless kung saan ang source mo, lagi mo icheck yung phosphate. pag may detectable po4, palit ka ng water source sasakit lang ulo mo pag naging algae tank yung DT mo dahil sa maiipon na phosphates.
btw re diy rocks matagal ang curing niyan lalo kung cement ang gagamitin mo.
goodluck!