Eto siguradong wala nang hassle, hellbent talaga akong ma-sigurado na magiging maganda ito eh. Baka for keeps na rin talaga ito, kasi gusto ko na makita ni baby ito hanggang paglaki niya.
Lahat ng ilalagay ko dito magiging permanent residents na kaya medyo challenge din yung livestock selection, maliban pa sa thermal, power and nutrient management at yung mga plans kapag may power outages.
Sa ngayon nagiisip pa ako kung saan ko bibilhin yung 2 clownfish na ilalagay ko. Nainggit ako sa mga isda ni roy_gt, 7+ years na buhay pa rin at very healthy. Ni hindi man lang nagpalit o nagdagdag ng isda, yung corals niya yun pa rin.