Normal talaga magka die-off, kasi una pa lang inalis sila sa dagat at naexpose ng ilang oras sa hangin ng walang tubig. Tapos malalagay sa holding tank na marumi then papunta sa tank mo... normal course yan kapag gumamit ka ng liverock. Yang mga puti na yan malamang talaga na sponges yan na namatay dahil naexpose sa hangin. Maraming nangyayari during cycling hindi lang yung paglabas ng ammonia at pagconvert nito sa nitrites then nitrates.
Para may clearer picture ka, ganito ang nangyayari kapag nagcycle ka ng LR na maraming die-off:
Andyan yung pagbagsak ng pH dahil sa die-off at sa pagdami ng bacteria (CO2 production), pagbagsak ng oxygen levels, pagbagsak ng redox potential, pag swing sa alkalinity (dahil sa pagtaas ng CO2 at pagbaba ng pH) pagrelease ng toxins at secondary metabolites ng mga decaying sponges and algae na nasa liverock which in turn, makakapatay din lalo sa iba pang organisms na nasa rocks - bacteria and microfauna like worms, etc. Kumbaga domino effect. After nun saka unti-unting mag-stabilize yung system at tatama yung parameters with exception to nutrients, typically sobrang taas ng nitrate at phosphate dahil sa die-off at sa pag leach ng phosphates na galing sa mga bato..
Anyway, again maraming schools-of-thought sa cycling lalo na at marami rin kasi ang options mo sa tank (liverock, diy rocks, base rocks, etc). Marami dito proponent ng paggamit bg LR at iwanan lang yung decaying matter at wag mag water change during cycling (okay naman, pero para sa akin may mas efficient means to cycle) para sa akin counter-productive kasi yun dahil mas pinapatay mo yung beneficial microfauna na nasa LR, like worms and pods (na sila rin ang mismong dahilan bakit ka nag LR in the first place, lol)... at dadami pa yung trabaho mo after ng initial cycle dahil sa nutrients na naiwan sa tubig. More nutrients = more algae.
So ayan din yung sagot sa kung paano mababawasan o maiiwasan ang sobrang daming die-off during cycling. At paano maiiwasan ang grabeng algae infestation pag tumagal.
Mas maganda yung paliwanag diyan sa article na pibost ni chonglai sa "curing liverocks" thread.