gusto ko po talaga magkaron ng saltwater tank. honestly sana pag tumagal ay maging maayos naman lahat at balak ko po talaga mag alaga ng mga fishes at corals at iba pang invertebrates at kung maging ok maging advance breeder na din.
So bale may tank po ako ung lumang klase lng bigay ng nanay ko. mga 50 gallons po ata yun malaki talaga sya for a newbie pero andito na po to eh kaya eto po talaga gusto kong umpisahan. nagtanong tanong napo ako sa cartimar kaso iba iba naman sinasabi nila. pero so far bumili napo ako ng saltwater na mix. isang blue tsaka dalawang white. malaki yung blue na bag at sabi sakin mga 4 kilos po ata sila lahat-lahat. so ginawa ko na po yung mix. d ko po pinuno yung tank siguro mga 40 gallon lang yung laman nya sa ngayon. may hydrometer na din ako at sabi dapat daw nasa green line yung water at so far ganun naman ang nangyari. may binenta din po sakin na filter tapos ayun nakabukas lng sya mga 3 days na para umikot yung tubig. nilagyan ko na rin po ng conditioner mga 50ml. sabi sakin hintayin ko muna makondisyon yung tubig so mga 1 week daw po. so far eto pa lng po ang ginawa ko and as i do some research grabe dami pala dapat matutunan. if you can see ayon sa details ng post ko dami ko pang gamit na wala so sana po matulungan nio po ako kung ano ang mga basic na must have tlaga para makapag start nako. ayaw ko naman po mamatay lahat ng mag isdang ilalagay ko although i know na di maiiwasan kung minsan lalo na sa beginners. sana po matulungan nio po ako lalo na sa mga requirements na dapat ko ng bilin. willing naman po akong mag invest ng time at money na rin since kailangn talaga. I hope someone can help me here.
P.S.
sana po refrain sa paggamit ng jargon kung may magpopost po ng reply. as i've said bago lang po ako kaya i really appreciate kung mai-eexplain sakin lahat in a simplest way a beginner can understand. salamat po!